Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:22
وَمِنْ آيَاتِهِ خَلْقُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَاخْتِلَافُ أَلْسِنَتِكُمْ وَأَلْوَانِكُمْ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِلْعَالِمِينَ
Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkalikha sa mga langit at lupa at ang pagkakaiba-iba ng mga wika ninyo at mga kulay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga nakaaalam.
Tafsir
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pagkakalikha ng mga langit at ang pagkakalikha ng lupa. Kabilang sa mga ito ang pagkakaiba-iba ng mga wika ninyo at ang pagkakaiba-iba ng mga kulay ninyo. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayan para sa mga kaalaman at pagkatalos.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah