Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:21

وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ خَلَقَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا لِتَسْكُنُوا إِلَيْهَا وَجَعَلَ بَيْنَكُمْ مَوَدَّةً وَرَحْمَةً ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ

Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang matiwasay kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahalan at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

Tafsir

Kabilang sa mga dakilang tanda Niya gayundin na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na lumikha Siya alang-alang sa inyo, O mga lalaki, mula sa lahi ninyo ng mga kabiyak upang mapanatag ang mga sarili ninyo sa kanila dahil sa pagkakatulad ng uri sa pagitan ninyo, at gumawa Siya sa pagitan ninyo ng pag-ibig at simpatiya. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayang maliwanag para sa mga taong nag-iisip-isip dahil sila ay ang mga makikinabang sa pagpapagana ng mga isip nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah

Ar-Rum 30:21 · Tlawati