Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:18

وَلَهُ الْحَمْدُ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَعَشِيًّا وَحِينَ تُظْهِرُونَ

Ukol sa Kanya ang papuri sa mga langit at lupa sa gabi at kapag tinanghali kayo.

Tafsir

Ukol sa Kanya lamang – pagkataas-taas Siya – ang pagbubunyi. Sa mga langit ay nagpupuri sa Kanya ang mga anghel Niya at sa lupa ay nagpupuri sa Kanya ang mga nilikha Niya. Magluwalhati kayo sa Kanya kapag pumapasok kayo sa hapon, ang oras ng dasal sa hapon; at magluwalhati kayo sa Kanya kapag pumapasok kayo sa oras ng tanghali.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah