Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:17
فَسُبْحَانَ اللَّهِ حِينَ تُمْسُونَ وَحِينَ تُصْبِحُونَ
Kaya Kaluwalhatian kay Allāh kapag ginabi kayo at kapag inumaga kayo.
Tafsir
Kaya magluwalhati kayo kay Allāh kapag pumapasok kayo sa oras ng gabi, ang oras ng mga dasal sa paglubog ng araw at gabi; at magluwalhati kayo sa Kanya kapag pumapasok kayo sa oras ng umaga, ang oras ng dasal sa madaling-araw.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah