Surah 29 · Juz 21
Al-'Ankabut · 29:68
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ كَذَّبَ بِالْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُ ۚ أَلَيْسَ فِي جَهَنَّمَ مَثْوًى لِلْكَافِرِينَ
Sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa katotohanan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?
Tafsir
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa Kanya ng katambal o nagpasinungaling sa katotohanang inihatid ng Sugo Niya. Walang duda na sa Impiyerno ay may tirahan para sa mga tagatangging sumampalataya at para sa mga tulad nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah