Surah 29 · Juz 21

Al-'Ankabut · 29:67

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا حَرَمًا آمِنًا وَيُتَخَطَّفُ النَّاسُ مِنْ حَوْلِهِمْ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَةِ اللَّهِ يَكْفُرُونَ

Hindi ba nila nakita na Kami ay gumawa ng isang kanlungang matiwasay samantalang dinadaklot ang mga tao mula sa paligid nila. Kaya ba sa kabulaanan sila sumasampalataya at sa biyaya ni Allāh sila nagkakaila?

Tafsir

Hindi ba nakakita ang mga tagapagkailang ito sa biyaya ni Allāh sa kanila – nang nagligtas si Allāh sa kanila mula sa pagkalunod – ng iba pang biyaya? [Ang biyayang] ito ay na Kami ay gumawa para sa kanila ng isang santuwaryong natitiwasay sila roon para sa mga buhay nila at mga ari-arian nila samantalang ang ibang tao ay nilulusob ng mga pag-atake kaya napapatay ang mga iyon, nadadakip ang mga iyon, nabibihag ang mga kababaihan ng mga iyo at ang mga supling ng mga iyon, at dinadambong ang mga ari-arian ng mga iyon. Kaya ba sa kabulaanan ng mga inaakalang diyos nila sumasampalataya sila at sa biyaya ni Allāh sa kanila nagkakaila sila kaya hindi sila nagpapasalamat dito kay Allāh?

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah