Surah 29 · Juz 21
Al-'Ankabut · 29:50
وَقَالُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَاتٌ مِنْ رَبِّهِ ۖ قُلْ إِنَّمَا الْآيَاتُ عِنْدَ اللَّهِ وَإِنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُبِينٌ
Nagsabi sila: "Bakit kaya hindi nagpababa sa kanya ng mga tanda mula sa Panginoon niya?" Sabihin mo: "Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang tagapagbabalang malinaw lamang."
Tafsir
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Bakit kaya walang pinababa kay Muḥammad na mga tanda mula sa Panginoon niya tulad ng pinababa sa mga sugo bago pa siya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Ang mga tanda ay nasa kamay ni Allāh lamang – kaluwalhatian sa Kanya; nagpapababa Siya ng mga ito kailanman Niya loobin. Hindi nakasalalay sa akin ang pagpapababa sa mga ito. Ako ay isang mapagbabala lamang para sa inyo laban sa parusa ni Allāh, na maliwanag sa pagbabala."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah