Surah 29 · Juz 21
Al-'Ankabut · 29:49
بَلْ هُوَ آيَاتٌ بَيِّنَاتٌ فِي صُدُورِ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الظَّالِمُونَ
Bagkus [ang Qur’an na] ito ay mga talatang malilinaw na nasa mga dibdib ng mga may kaalaman. Walang nagkakaila sa mga talata Namin kundi ang mga tagalabag sa katarungan.
Tafsir
Bagkus ang Qur’an na pinababa sa iyo ay mga talatang maliliwanag na nasa mga dibdib ng mga binigyan ng kaalaman kabilang sa mga mananampalataya. Walang nagkakaila sa mga talata Namin kundi ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah