Surah 23 · Juz 18

Al-Mu'minun · 23:24

فَقَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ مَا هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يُرِيدُ أَنْ يَتَفَضَّلَ عَلَيْكُمْ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَأَنْزَلَ مَلَائِكَةً مَا سَمِعْنَا بِهَٰذَا فِي آبَائِنَا الْأَوَّلِينَ

Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: "Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais magpakalamang sa inyo. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagbaba Siya ng mga anghel. Hindi Kami nakarinig nito sa mga ninuno naming sinauna.

Tafsir

Kaya nagsabi ang mga maharlika at ang mga pinuno na tumangging sumampalataya kay Allāh kabilang sa mga kababayan niya sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba itong nag-aakala na siya ay isang sugo kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais ng pagkapangulo at pamumuno sa inyo. Kaya kung sakaling niloob ni Allāh na magsugo sa atin ng isang sugo ay talaga sanang nagsugo Siya nito mula sa mga anghel at hindi Siya magsusugo nito mula sa tao. Hindi tayo nakarinig hinggil sa tulad ng inaangkin niya sa ganang mga ninuno nating nauna sa atin.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah