Surah 23 · Juz 18

Al-Mu'minun · 23:23

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ أَفَلَا تَتَّقُونَ

Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kalipi niya kaya nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala."

Tafsir

Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kababayan niya, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, saka nagsabi siya: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; wala na kayong sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah