Surah 20 · Juz 16

Ta-Ha · 20:85

قَالَ فَإِنَّا قَدْ فَتَنَّا قَوْمَكَ مِنْ بَعْدِكَ وَأَضَلَّهُمُ السَّامِرِيُّ

Nagsabi Siya: "Ngunit tunay na Kami ay sumulit nga sa mga tao mo noong wala ka at pinaligaw sila ng Sāmirīy."

Tafsir

Nagsabi si Allāh: "Ngunit tunay na Kami ay sumubok nga sa mga tao mo, na iniwan mo sa hulihan mo, dahil sa pagsamba sa guya sapagkat nag-anyaya sa kanila sa pagsamba rito ang Sāmirīy kaya nagligaw siya sa kanila sa pamamagitan niyon."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah