Surah 20 · Juz 16
Ta-Ha · 20:84
قَالَ هُمْ أُولَاءِ عَلَىٰ أَثَرِي وَعَجِلْتُ إِلَيْكَ رَبِّ لِتَرْضَىٰ
Nagsabi ito: "Sila itong nasa bakas ko at nagmadali ako patungo sa iyo, Panginoon ko, upang malugod Ka."
Tafsir
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Heto sila, nasa likuran ko; at makaabot sila sa akin. Nauna ako sa mga tao ko tungo sa Iyo upang malugod Ka sa akin sa pagdadali-dali ko tungo sa Iyo."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah