Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:28

كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَكُنْتُمْ أَمْوَاتًا فَأَحْيَاكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo noon ay mga patay at nagbigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos ay magbibigay-kamatayan Siya sa inyo, pagkatapos ay magbibigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos ay tungo sa Kanya kayo panunumbalikin.

Tafsir

Tunay na ang lagay ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, ay talagang kataka-taka! Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi sa mga patunay sa kakayahan Niya sa mga sarili ninyo. Kayo nga noon ay wala, hindi umiiral, ngunit bumuo Siya sa inyo at nagbigay-buhay Siya sa inyo. Pagkatapos Siya ay nagbigay-kamatayan sa inyo sa ikalawang pagkamatay. Pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo sa ikalawang buhay. Pagkatapos magpapabalik Siya sa inyo tungo sa Kanya upang tumuos Siya sa inyo sa mga [gawang] ipinauna ninyo.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah