Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:27

الَّذِينَ يَنْقُضُونَ عَهْدَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مِيثَاقِهِ وَيَقْطَعُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ

Ang mga kumakalas sa tipan kay Allāh noong matapos ng pagpapatibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, at nagtitiwali sa lupa, ang mga iyon ay ang mga lugi.

Tafsir

Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh na tinanggap Niya sa kanila sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya lamang at pagsunod sa Sugo Niya, na nagpabatid ang mga sugo hinggil sa kanya bago niya, at pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay gaya ng mga ugnayang pangkaanak at nagpupunyagi sa pagpapalaganap ng kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng mga pagsuway, ang mga ito ay ang magkukulang ang mga bahagi nila sa Mundo at Kabilang-buhay.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah