Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:239

فَإِنْ خِفْتُمْ فَرِجَالًا أَوْ رُكْبَانًا ۖ فَإِذَا أَمِنْتُمْ فَاذْكُرُوا اللَّهَ كَمَا عَلَّمَكُمْ مَا لَمْ تَكُونُوا تَعْلَمُونَ

Kung nangamba kayo ay [magdasal na] mga naglalakad o mga nakasakay, at kapag natiwasay kayo ay umalaala kayo kay Allāh gaya ng itinuro Niya sa inyo ng hindi ninyo noon nalalaman.

Tafsir

Kaya kung nangamba kayo sa isang kaaway o tulad nito at hindi kayo nakakaya ng pagsasagawa ng dasal nang lubusan, magdasal kayo habang mga naglalakad sa mga paa ninyo o mga nakasakay sa mga kamelyo, mga kabayo, at tulad ng mga ito, o sa alinmang paraang nakakaya ninyo. Kaya kapag naglaho ang pangamba sa inyo, umalaala kayo kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng pag-alaala (dhikr). Kabilang dito ang pagdarasal ayon sa pagkaganap nito at pagkalubos nito, tulad ng pagtuturo Niya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman na liwanag at patnubay.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah