Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:238

حَافِظُوا عَلَى الصَّلَوَاتِ وَالصَّلَاةِ الْوُسْطَىٰ وَقُومُوا لِلَّهِ قَانِتِينَ

Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na kalagitnaan. Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin.

Tafsir

Mangalaga kayo sa mga dasal sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga ito nang lubusan gaya ng ipinag-utos ni Allāh. Mangalaga kayo sa dasal na kalagitnaan sa pagitan ng mga dasal. Ito ay ang dasal sa hapon (`aṣr). Tumayo kayo kay Allāh sa mga dasal ninyo bilang mga tumatalimang nagpapasailalim.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah