Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:206

وَإِذَا قِيلَ لَهُ اتَّقِ اللَّهَ أَخَذَتْهُ الْعِزَّةُ بِالْإِثْمِ ۚ فَحَسْبُهُ جَهَنَّمُ ۚ وَلَبِئْسَ الْمِهَادُ

Kapag sinabi sa kanya: "Mangilag kang magkasala kay Allāh," dumadaklot sa kanya ang kapalaluan dahil sa kasalanan. Kaya sapat sa kanya ang Impiyerno. Talagang kay saklap ang himlayan!

Tafsir

Kapag sinabi sa tagagulong iyon bilang paraan ng pagpapayo: "Mangilag kang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggalang sa mga hangganan Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," pinipigilan siya ng paninikis at pagmamalaki sa pagbabalik sa katotohanan at nagpapatuloy siya sa kasalanan. Kaya ang ganting sasapat sa kanya ay ang pagpasok sa Impiyerno. Talagang kay saklap ang pagtitigilan at ang panananatilihan para sa mga maninirahan doon!

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah