Surah 2 · Juz 2

Al-Baqarah · 2:205

وَإِذَا تَوَلَّىٰ سَعَىٰ فِي الْأَرْضِ لِيُفْسِدَ فِيهَا وَيُهْلِكَ الْحَرْثَ وَالنَّسْلَ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الْفَسَادَ

Kapag tumalikod siya ay nagpupunyagi siya sa lupa upang magtiwali rito at mamuksa ng mga pananim at mga hayupan. Si Allāh ay hindi umiibig sa katiwalian.

Tafsir

Kapag tumalikod siya sa iyo at humiwalay sa iyo ay nagpupunyagi habang nagsisikap sa lupa upang manggulo sa pamamagitan ng mga pagsuway, maminsala ng mga pananim, at pumatay ng mga hayupan. Si Allāh ay hindi umiibig sa kaguluhan sa lupa at hindi umiibig sa mga alagad nito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah