Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:101

وَلَمَّا جَاءَهُمْ رَسُولٌ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُصَدِّقٌ لِمَا مَعَهُمْ نَبَذَ فَرِيقٌ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ كِتَابَ اللَّهِ وَرَاءَ ظُهُورِهِمْ كَأَنَّهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Noong may dumating sa kanila na isang Sugo mula sa ganang kay Allāh, na nagpapatotoo sa taglay nila, ay itinatapon ng isang pangkat kabilang sa mga binigyan ng kasulatan ang Kasulatan ni Allāh sa likuran ng mga likod nila na para bang sila ay hindi nakaaalam.

Tafsir

Noong dumating sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – bilang Sugo mula sa ganang kay Allāh – at siya ay sumasang-ayon sa nasa Torah na paglalarawan sa kanya – ay may umayaw na isang pangkat kabilang sa kanila sa ipinahiwatig nito hinggil sa kanya at itinapon nila ito sa likuran ng mga likod nila habang hindi mga pumapansin dito, na mga nakawawangis ng kalagayan ng mga mangmang na hindi nakikinabang sa nasa nasaad dito na katotohanan at patnubay kaya naman hindi siya pumapansin dito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah