Surah 2 · Juz 1

Al-Baqarah · 2:100

أَوَكُلَّمَا عَاهَدُوا عَهْدًا نَبَذَهُ فَرِيقٌ مِنْهُمْ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ

Sa tuwing nakikipagtipan ba sila ng isang tipan ay itinatapon ito ng isang pangkat kabilang sa kanila? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya.

Tafsir

Bahagi ng kasagwaan ng kalagayan ng mga Hudyo ay na sila, sa tuwing tumatanggap sila para sa mga sarili nila ng isang kasunduan – na bahagi ng kabuuan nito ay ang pananampalataya sa ipinahiwatig ng Torah na pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may kumakalas na isang pangkat kabilang sa kanila. Bagkus ang higit na marami sa mga Hudyong ito ay hindi totoong sumasampalataya sa pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil ang pananampalataya ay gumaganyak sa pagtupad sa kasunduan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah