Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:98
ذَٰلِكَ جَزَاؤُهُمْ بِأَنَّهُمْ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا وَقَالُوا أَإِذَا كُنَّا عِظَامًا وَرُفَاتًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ خَلْقًا جَدِيدًا
Iyon ay ganti sa kanila dahil sila ay tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin at nagsabi sila: "Kapag kami ba ay naging mga buto at pira-piraso, tunay na kami ba ay talagang bubuhaying muli bilang nilikhang bago?"
Tafsir
Ang pagdurusang iyon na makakatagpo nila ay ang ganti sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin at dahil sa pagsasabi nila bilang pagtuturing ng pagkaimposible ng pagkabuhay: "Kapag ba namatay kami at naging mga butong bulok at mga pira-pirasong nalansag, bubuhayin ba kami matapos niyon bilang nilikhang bago?"
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah