Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:97
وَمَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَنْ تَجِدَ لَهُمْ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِهِ ۖ وَنَحْشُرُهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ عُمْيًا وَبُكْمًا وَصُمًّا ۖ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ كُلَّمَا خَبَتْ زِدْنَاهُمْ سَعِيرًا
Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh, siya ay ang napapatnubayan; ngunit ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para sa kanila ng mga katangkilik bukod pa sa Kanya. Magtitipon Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon [na kinakaladkad] sa mga mukha nila na mga bulag, mga pipi, at mga bingi. Ang kanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing nanghihina ay nagdaragdag Kami sa kanila ng liyab.
Tafsir
Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan, siya ay ang napapatnubayan nang totohanan; ngunit ang sinumang itinatatwa Niya palayo roon at inililigaw Niya ay hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kanila ng mga katangkilik na papatnubay sa kanila tungo sa katotohanan, magtutulak palayo sa kanila ng kapinsalaan, at magdudulot sa kanila ng pakinabang. Kakalap Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon habang kinakaladkad sila sa mga mukha nila nang hindi nakakikita, hindi nakabibigkas, at hindi nakaririnig. Ang tuluyan nila na kakanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing tumitighaw ang lagablab nito ay nagdaragdag Kami sa kanila ng pagliliyab.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah