Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:89

وَلَقَدْ صَرَّفْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ فَأَبَىٰ أَكْثَرُ النَّاسِ إِلَّا كُفُورًا

Talaga ngang nagsari-sari Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito ng bawat paghahalimbawa ngunit tumanggi [sa anuman] ang higit na marami sa mga tao maliban sa pagkawalang-pananampalataya.

Tafsir

Talaga ngang naglinaw Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito at nag-uri-uri Kami rito ng bawat naisasaalang-alang na mga pangaral, mga aral, mga pag-uutos, mga pagsaway, at mga kasaysayan sa pag-asang sumampalataya sila, ngunit tumanggi [sa anuman] ang karamihan sa mga tao maliban sa pagtanggi at pagkakaila sa Qur'ān na ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah