Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:88

قُلْ لَئِنِ اجْتَمَعَتِ الْإِنْسُ وَالْجِنُّ عَلَىٰ أَنْ يَأْتُوا بِمِثْلِ هَٰذَا الْقُرْآنِ لَا يَأْتُونَ بِمِثْلِهِ وَلَوْ كَانَ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ ظَهِيرًا

Sabihin mo: "Talagang kung nagkaisa ang tao at ang jinn na gumawa ng tulad ng Qur’ān na ito ay hindi sila makagagawa ng tulad nito at kahit pa man ang iba sa kanila ay katulong ng iba pa."

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo: "Talagang kung nagtipon ang tao at ang jinn sa kabuuan nila na maglahad ng tulad ng Qur’ān na ito, na pinababa sa iyo, sa retorika nito, kagandahan ng pagkakaayos nito, at kasaganahan nito ay hindi sila makapaglalahad nito magpakailanman, at kahit pa man ang iba sa kanila para sa iba pa ay maging tagatulong at mapag-adya."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah