Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:73
وَإِنْ كَادُوا لَيَفْتِنُونَكَ عَنِ الَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ لِتَفْتَرِيَ عَلَيْنَا غَيْرَهُ ۖ وَإِذًا لَاتَّخَذُوكَ خَلِيلًا
Tunay na halos sila ay talagang tutukso sa iyo palayo sa ikinasi Namin sa iyo upang gumawa-gawa ka laban sa Amin ng iba pa rito [sa ikinasi]; at kung gayon ay talaga sanang gumawa sila sa iyo bilang isang matalik na kaibigan.
Tafsir
Talaga ngang kamuntik na ang mga tagapagtambal na magpalihis sa iyo, O Sugo, palayo sa ikinasi Namin sa iyo na Qur'ān upang lumikha-likha ka laban sa Amin ng iba pa rito na umaalinsunod sa mga pithaya nila. Kung sakaling gumawa ka ng ninais nila mula roon, talaga sanang hinirang ka nila bilang minamahal.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah