Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:72

وَمَنْ كَانَ فِي هَٰذِهِ أَعْمَىٰ فَهُوَ فِي الْآخِرَةِ أَعْمَىٰ وَأَضَلُّ سَبِيلًا

Ang sinumang dito [sa Mundo] ay bulag [ang puso], siya sa Kabilang-buhay ay bulag at higit na ligaw sa landasin.

Tafsir

Ang sinumang sa buhay na ito sa Mundo ay bulag ang puso sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapasakop dito, siya sa Araw ng Pagbangon ay higit na matindi sa pagkabulag kaya hindi siya napapatnubayan para sa daan ng Paraiso, at higit na ligaw sa daan palayo sa kapatnubayan. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah