Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:41

وَلَقَدْ صَرَّفْنَا فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ لِيَذَّكَّرُوا وَمَا يَزِيدُهُمْ إِلَّا نُفُورًا

Talaga ngang puspusang naglinaw Kami sa Qur’ān na ito upang makapag-alaala sila ngunit walang naidadagdag ito sa kanila kundi pagkalayo.
____________________
Talaga ngang nagsari-sari Kami sa Qur’ān na ito [ng nilalaman] upang makapag-alaala sila ngunit walang naidadagdag ito sa kanila kundi pag-ayaw.

Tafsir

Talaga ngang nagpaliwanag Kami sa Qur’ān na ito ng mga patakaran, mga pangaral, at mga paghahalintulad upang mapangaralan sa pamamagitan ng mga ito ang mga tao para tumahak sila sa nagpapakinabang sa kanila at umiwan sila sa nakapipinsala sa kanila, habang ang kalagayan ay na ang iba sa kanilang kabilang sa tumaliwas ang kalikasan ng pagkalalang sa kanila ay hindi nadagdagan sa pamamagitan niyon kundi ng isang pagkalayo sa katotohanan at isang pagkasuklam dito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah