Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:40

أَفَأَصْفَاكُمْ رَبُّكُمْ بِالْبَنِينَ وَاتَّخَذَ مِنَ الْمَلَائِكَةِ إِنَاثًا ۚ إِنَّكُمْ لَتَقُولُونَ قَوْلًا عَظِيمًا

Kaya ba humirang sa inyo ang Panginoon ninyo sa [pagkakaroon ng] mga anak na lalaki at gumawa Siya sa mga anghel bilang mga babae? Tunay na kayo ay talagang nagsasabi ng isang pananalitang sukdulan!

Tafsir

O kayong nag-aangkin na ang mga anghel daw ay mga babaing anak ni Allāh, nagtangi ba sa inyo ang Panginoon ninyo, O mga tagapagtambal, sa [pagkakaroon ng] mga lalaki kabilang sa mga anak at gumawa Siya para sa sarili Niya sa mga anghel bilang mga babaing anak? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa mga sinasabi ninyo! Tunay na kayo ay talagang nagsasabi laban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang sinasabing lumalabis sa kapangitan yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak, at naggigiit kayo na ukol sa Kanya ang mga babaing anak bilang pagpapakalabis sa kawalang-pananampalataya sa Kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah