Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:35

وَأَوْفُوا الْكَيْلَ إِذَا كِلْتُمْ وَزِنُوا بِالْقِسْطَاسِ الْمُسْتَقِيمِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا

Magpakalubus-lubos kayo sa pagtatakal kapag magtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa kauuwian.

Tafsir

Lumubos kayo sa pagtatakal kapag magtatakal kayo para sa iba sa inyo at huwag kayong lumugi sa kanya. Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang makatarungan, na hindi nagkukulang ng anuman at hindi bumabawas. Ang pagpapalubus-lubos na iyon para sa pagtatakal at pagtitimbang ay higit na mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay at higit na maganda sa kahihinatnan kaysa sa pag-uumit sa pamamagitan ng pagkukulang sa mga takalan at mga timbangan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah

Al-Isra 17:35 · Tlawati