Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:34
وَلَا تَقْرَبُوا مَالَ الْيَتِيمِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ حَتَّىٰ يَبْلُغَ أَشُدَّهُ ۚ وَأَوْفُوا بِالْعَهْدِ ۖ إِنَّ الْعَهْدَ كَانَ مَسْئُولًا
Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila malibang ayon sa pinakamaganda, hanggang sa umabot siya sa kagulangan niya. Tumupad kayo sa tipan; tunay na ang tipan ay laging pananagutan.
Tafsir
Huwag kayong mangasiwa sa yaman ng sinumang namatayan ng ama kabilang sa mga bata malibang ayon sa pinakamaayos para sa kanya gaya ng pagpapalago rito at pangangalaga rito hanggang sa umabot siya sa kalubusan ng isip niya at katinuan niya. Magpatupad kayo sa isang kasunduan sa pagitan ninyo at ni Allāh at sa pagitan ninyo at ng mga lingkod Niya nang walang pagkalas o pagkukulang. Tunay na si Allāh ay magtatanong sa binigyan ng tipan sa Araw ng Pagbangon kung tumupad kaya iyon dito para gumantimpala Siya roon o kung hindi iyon tumupad dito para magparusa Siya roon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah