Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:17
وَكَمْ أَهْلَكْنَا مِنَ الْقُرُونِ مِنْ بَعْدِ نُوحٍ ۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ بِذُنُوبِ عِبَادِهِ خَبِيرًا بَصِيرًا
Kay rami ng nilipol Namin kabilang sa mga salinlahi mula ng matapos ni Noe. Nakasapat ang Panginoon mo sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang isang Tagabatid na Nakakikita.
Tafsir
Anong dami ang mga pamayanang nagpasinungaling na ipinahamak Namin noong matapos ni Noe, tulad ng [liping] Ād at [liping] Thamūd! Nakasapat ang Panginoon mo, O Sugo, sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid na Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah