Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:16

وَإِذَا أَرَدْنَا أَنْ نُهْلِكَ قَرْيَةً أَمَرْنَا مُتْرَفِيهَا فَفَسَقُوا فِيهَا فَحَقَّ عَلَيْهَا الْقَوْلُ فَدَمَّرْنَاهَا تَدْمِيرًا

Kapag nagnais Kami na magpahamak ng isang pamayanan ay mag-uutos Kami sa mga nakaririwasa roon ngunit magpapakasuwail sila roon kaya magiging karapat-dapat doon ang hatol at wawasakin Namin iyon ng anumang pagwasak.

Tafsir

Kapag nagnais Kami ng pagpapahamak ng isang pamayanan dahil sa kawalang-katarungan niyon ay mag-uutos Kami ng pagtalima sa mga pinalayaw ng biyaya ngunit hindi sila susunod, bagkus susuway sila at lalabas sa pagtalima kaya magigindapat sa kanila ang sasabihin hinggil sa pagdurusang pupuksa kaya magpapahamak Kami sa kanila ayon sa kapahamakan ng pagpupuksa.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah

Al-Isra 17:16 · Tlawati