Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:12
وَجَعَلْنَا اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ آيَتَيْنِ ۖ فَمَحَوْنَا آيَةَ اللَّيْلِ وَجَعَلْنَا آيَةَ النَّهَارِ مُبْصِرَةً لِتَبْتَغُوا فَضْلًا مِنْ رَبِّكُمْ وَلِتَعْلَمُوا عَدَدَ السِّنِينَ وَالْحِسَابَ ۚ وَكُلَّ شَيْءٍ فَصَّلْنَاهُ تَفْصِيلًا
At ginawa Namin ang gabi at maghapon bilang dalawang tanda. Pumawi Kami sa tanda ng gabi at ginawa Namin ang tanda ng maghapon na nakapagpapakita upang makapaghanap kayo ng kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo at upang makaalam kayo sa bilang ng mga taon at pagtutuos. Ang bawat bagay ay niliwanag Namin ng anumang pagpapaliwanag.
Tafsir
Nilikha ang gabi at ang maghapon bilang dalawang palatandaang nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at kakayahan Niya dahil sa taglay ng dalawang ito na pagkakaiba-iba sa haba at ikli, at sa init at lamig. Gumawa Kami sa gabi bilang tagapagpadilim para sa pamamahinga at pagtulog at gumawa Kami sa maghapon bilang tagatanglaw upang maghanap kayo ng panustos ni Allāh na itinakda Niya para sa inyo dahil sa kabutihang-loob Niya at upang matutunan ninyo sa pamamagitan ng pagsasalitan ng dalawang ito ang bilang ng mga taon at ang kinakailangan ninyo na pagtutuos ng mga yugto ng mga buwan, mga araw, at mga oras. Sa bawat bagay ay naglinaw Kami ayon sa isang paglilinaw upang mabatid ang [pagkakaiba-iba ng] mga bagay at lumiwanag ang tagapagtotoo mula sa tagapagbulaan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah