Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:11

وَيَدْعُ الْإِنْسَانُ بِالشَّرِّ دُعَاءَهُ بِالْخَيْرِ ۖ وَكَانَ الْإِنْسَانُ عَجُولًا

Nanalangin ang tao ng masagwa gaya ng pagdalangin niya sa Kanya ng mabuti. Laging ang tao ay mapagmadali.

Tafsir

Dumadalangin ang tao, dahil sa kamangmangan niya, laban sa sarili niya, anak niya, at yaman, ng mga masama sa sandali ng galit, tulad ng pagdalangin niya para sa sarili niya ng mabuti. Kaya kung sakaling tumugon Kami sa panalangin niya ng masama ay talaga sanang napahamak siya at napahamak ang yaman niya at ang anak niya. Ang tao ay laging likas na mahilig sa pagmamadali. Dahil dito tunay na siya ay maaaring magmadali sa anumang nakapipinsala sa kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah