Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:89

وَيَوْمَ نَبْعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا عَلَيْهِمْ مِنْ أَنْفُسِهِمْ ۖ وَجِئْنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَٰؤُلَاءِ ۚ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ تِبْيَانًا لِكُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ

Sa araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi sa kanila kabilang sa mga sarili nila. Naghatid Kami sa iyo bilang isang saksi sa mga ito. Nagpapababa Kami sa iyo ng Aklat bilang isang paglilinaw para sa bawat bagay, isang patnubay, isang awa, at isang nakagagalak na balita para sa mga Muslim.

Tafsir

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang sugong sasaksi sa kanila hinggil sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya o pananampalataya. Ang sugong ito ay kabilang sa lahi nila at magsasalita sa wika nila. Naghatid Kami sa iyo, O Sugo, bilang saksi sa mga kalipunan sa kalahatan. Nagbaba Kami sa iyo ng Qur'ān upang maglinaw ka sa bawat nangangailangan ng paglilinaw gaya ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, gantimpala at parusa, at iba pa roon. Nagbaba Kami nito bilang kapatnubayan para sa mga tao tungo sa katotohanan, bilang awa para sa sinumang sumampalataya rito at gumawa ayon sa nasaad dito, at bilang pagbabalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya kay Allāh hinggil sa hinihintay nila na kaginhawahang mananatili.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah