Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:88

الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ زِدْنَاهُمْ عَذَابًا فَوْقَ الْعَذَابِ بِمَا كَانُوا يُفْسِدُونَ

Ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh ay dadagdagan sila ng isang pagdurusa pa higit sa [dating] pagdurusa dahil sa dati sila ay nanggugulo.

Tafsir

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at naglihis sa iba pa sa kanila palayo sa landas ni Allāh ay magdaragdag sa kanila ng isang pagdurusa – dahilan sa kaguluhan nila, panggugulo nila, at pagliligaw nila sa iba pa sa kanila – sa pagdurusang naging karapat-dapat sila dahil sa kawalang-pananampalataya nila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah