Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:65
وَاللَّهُ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَسْمَعُونَ
Si Allāh ay nagbaba mula sa langit ng tubig at bumuhay sa pamamagitan nito ng lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda ukol sa mga taong dumidinig.
Tafsir
Si Allāh ay nagpababa mula sa dako ng langit ng ulan saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga halaman mula rito matapos na ito dati ay tigang at tuyo. Tunay na sa pagpapababa ng ulan mula sa dako ng langit at pagpapalabas ng mga halaman ng lupa sa pamamagitan niyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong dumidinig sa salita ni Allāh at nagbubulay-bulay rito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah