Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:64

وَمَا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ الَّذِي اخْتَلَفُوا فِيهِ ۙ وَهُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Hindi Kami nagbaba sa iyo ng Aklat kundi upang linawin mo sa kanila ang nagkaiba-iba sila hinggil doon, at bilang patnubay at awa para sa mga taong sumasampalataya.

Tafsir

Hindi nagbaba si Allāh sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān kundi upang maglinaw ka sa lahat ng mga tao ng nagkaiba-iba sila hinggil doon gaya ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh, pagkabuhay, at mga patakaran ng Batas; at na ang Qur'ān ay magiging kapatnubayan at awa para sa mga mananampalataya kay Allāh, sa mga sugo Niya, at sa inihatid ng Qur'ān sapagkat sila ang mga makikinabang sa katotohanan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah