Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:49

وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ مِنْ دَابَّةٍ وَالْمَلَائِكَةُ وَهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ

Kay Allāh nagpapatirapa ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa na hayop, at ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki.

Tafsir

Kay Allāh lamang nagpapatirapa ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at sa Kanya lamang nagpapatirapa ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki para umayaw sa pagsamba kay Allāh at sa pagtalima sa Kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah