Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:48
أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَىٰ مَا خَلَقَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ يَتَفَيَّأُ ظِلَالُهُ عَنِ الْيَمِينِ وَالشَّمَائِلِ سُجَّدًا لِلَّهِ وَهُمْ دَاخِرُونَ
Hindi ba sila tumingin sa nilikha ni Allāh na bagay, na humihilig ang anino ng mga iyon sa dakong kanan at sa dakong kaliwa, na mga nagpapatirapa kay Allāh habang ang mga iyon ay mga nagpapakaaba?
Tafsir
Hindi ba tumingin ang mga tagapagpasinungaling na ito ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni sa mga nilikha Niya? Kumikiling ang mga anino ng mga iyon sa kanan at sa kaliwa dahil sa pagsunod sa paggalaw ng araw at pag-inog nito sa maghapon at dahil sa buwan sa gabi, na mga nagpapasailalim sa Panginoon ng mga iyon habang mga nagpapatirapa sa Kanya ayon sa pagpapatirapang tunay habang ang mga iyon ay mga aba?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah