Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:44
بِالْبَيِّنَاتِ وَالزُّبُرِ ۗ وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الذِّكْرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيْهِمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ
[Isinugo sila] dala ang mga malinaw na patunay at ang mga kalatas. Nagbaba Kami sa iyo ng paalaala upang linawin mo sa mga tao ang pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.
Tafsir
Nagsugo Kami sa mga sugong ito kabilang sa mga tao kalakip ng mga patunay na maliwanag at dala ang mga kasulatang ibinaba. Nagpababa Kami sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān upang magpaliwanag ka sa mga tao ng nangangailangan mula rito ng pagpapaliwanag, at nang sa gayon sila ay magpagana sa mga isip nila para mapangaralan sila sa pamamagitan ng nilalaman nito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah