Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:43
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ ۚ فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
Hindi Kami nagsugo sa mga nauna sa iyo kundi ng mga lalaking nagkasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may kaalaman kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam.
Tafsir
Hindi Kami nagsugo bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaking kabilang sa mga tao, na nagkakasi Kami sa kanila, sapagkat hindi Kami nagsugo ng mga sugo kabilang sa mga anghel. Ito ay ang nakagawiang kalakaran Namin. Kung nangyaring kayo ay nagkakaila, magtanong kayo sa mga may kasulatang nauna; magpapabatid sila sa inyo na ang mga sugo noon ay mga tao at hindi nangyaring sila ay mga anghel, kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam na sila ay mga tao.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah