Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:28
الَّذِينَ تَتَوَفَّاهُمُ الْمَلَائِكَةُ ظَالِمِي أَنْفُسِهِمْ ۖ فَأَلْقَوُا السَّلَمَ مَا كُنَّا نَعْمَلُ مِنْ سُوءٍ ۚ بَلَىٰ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
na mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila." Kaya mag-uukol sila ng pagsuko, [na nagsasabi]: "Hindi kami noon gumagawa ng anumang kasagwaan." Bagkus tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa ninyo noon.
Tafsir
na mga kumukuha ang Anghel ng Kamatayan at ang mga katulong nito kabilang sa mga anghel ng mga kaluluwa nila habang sila ay mga nasasangkot sa paglabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh." Kaya magpapaakay sila habang mga sumusuko dahil sa bumaba sa kanila na kamatayan. Magkakaila sila ng anumang dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway dala ng isang pagpapalagay mula sa kanila na ang pagkakaila ay magpapakinabang sa kanila ngunit sasabihin sa kanila: "Nagsinungaling kayo; kayo nga dati ay mga tagatangging sumampalataya na gumagawa ng mga pagsuway. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Gaganti Siya sa inyo roon."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah