Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:27

ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يُخْزِيهِمْ وَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَائِيَ الَّذِينَ كُنْتُمْ تُشَاقُّونَ فِيهِمْ ۚ قَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ إِنَّ الْخِزْيَ الْيَوْمَ وَالسُّوءَ عَلَى الْكَافِرِينَ

Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mandudusta Siya sa kanila at magsasabi Siya: "Nasaan na ang mga katambal sa Akin na kayo dati ay nakikipaghidwaan dahil sa kanila?" Magsasabi ang mga binigyan ng kaalaman: "Tunay na ang kadustaan sa araw na ito at ang kasagwaan ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya,

Tafsir

Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mang-aaba sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagdurusa, manghahamak Siya sa kanila sa pamamagitan nito, at magsasabi Siya sa kanila: "Nasaan na ang mga katambal sa Akin na kayo noon ay nagtatambal kasama sa Akin sa pagsamba at kayo noon ay nangangaway ng mga propeta Ko at mga mananampalataya dahilan sa kanila?" Magsasabi ang mga nakaalam na mga makapanginoon: "Tunay na ang kaabahan at ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay babagsak sa mga tagatangging sumampalataya,

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah