Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:2

يُنَزِّلُ الْمَلَائِكَةَ بِالرُّوحِ مِنْ أَمْرِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ أَنْ أَنْذِرُوا أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاتَّقُونِ

Nagpapababa Siya ng mga anghel kasama ng Espiritu mula sa utos Niya sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, [na nag-uutos na:] "Magbabala kayo na walang Diyos kundi Ako."

Tafsir

Nagpababa si Allāh ng mga anghel, kalakip ng pagkasi ng paghuhusga Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga sugo Niya, [na nagsasabi:] "Magpangamba kayo, O mga sugo, sa mga tao laban sa pagtatambal sa Akin sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Ako kaya, mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga tao, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah