Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:1

أَتَىٰ أَمْرُ اللَّهِ فَلَا تَسْتَعْجِلُوهُ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Darating ang pasya ni Allāh kaya huwag ninyong madaliin ito. Napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya kaysa sa anumang itinatambal ninyo.

Tafsir

Nalalapit ang inihusga ni Allāh na pagdurusa ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, kaya huwag kayong humiling ng pagpapadali nito bago ng panahon nito. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at pagkataas-taas Siya kaysa sa ginagawa para sa Kanya ng mga tagapagtambal na mga katambal.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah