Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:102
قُلْ نَزَّلَهُ رُوحُ الْقُدُسِ مِنْ رَبِّكَ بِالْحَقِّ لِيُثَبِّتَ الَّذِينَ آمَنُوا وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ
Sabihin mo: "Pinababa ito ng Espiritu ng Kabanalan mula sa Panginoon mo dala ang katotohanan upang magpatatag siya sa mga sumampalataya at bilang isang patnubay at isang nakalulugod na balita para sa mga Muslim."
Tafsir
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagbaba sa Qur'ān na ito si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa ganang kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – kalakip ng katotohanang walang mali rito ni pagpapalit ni paglilihis upang magpatatag siya sa mga sumampalataya kay Allāh sa pananampalataya nila sa tuwing may bumabang bago mula rito at may pinawalang-bisang ilan mula rito at upang ito ay maging isang kapatnubayan para sa kanila tungo sa katotohanan at isang balitang nakalulugod para sa mga Muslim hinggil sa tatamuhin nila na gantimpalang masagana.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah