Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:101
وَإِذَا بَدَّلْنَا آيَةً مَكَانَ آيَةٍ ۙ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يُنَزِّلُ قَالُوا إِنَّمَا أَنْتَ مُفْتَرٍ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Kapag nagpalit kami sa isang talata sa halip ng isang talata at si Allāh ay higit na nakaaalam sa pinabababa Niya, ay nagsasabi sila: "Ikaw ay tanging isang gumagawa-gawa." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Tafsir
Kapag nagpawalang-bisa si Allāh sa kahatulan ng isang talata mula sa Qur'ān sa pamamagitan ng isa pang talata – at si Allāh ay higit na nakaaalam sa pinawawalang-bisa Niya mula sa Qur'ān dahil sa isang kasanhian at Maalam sa hindi Niya pinawalang-bisa mula rito – ay nagsasabi sila: "Ikaw, O Muḥammad, ay isang sinungaling na lumilikha-likha [ng kasinungalingan] lamang hinggil kay Allāh." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam na ang pagpapawalang-bisa ay nangyayari lamang dahil sa isang kasanhiang pandiyos na malalim.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah