Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:79

قَالَ مَعَاذَ اللَّهِ أَنْ نَأْخُذَ إِلَّا مَنْ وَجَدْنَا مَتَاعَنَا عِنْدَهُ إِنَّا إِذًا لَظَالِمُونَ

Nagsabi siya: "[Hiling ko] ang pagkupkop ni Allāh na manghuli kami maliban pa sa sinumang natagpuan naming ang pag-aari namin ay sa piling niya; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang mga tagalabag sa katarungan."

Tafsir

Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "[Humihiling ako ng] pagkupkop ni Allāh, na lumabag kami sa katarungan sa isang walang-sala dahil sa krimen ng isang tagalabag sa katarungan, para manghuli kami ng iba pa sa sinumang makatatagpo kami ng salop ng hari sa sisidlan niya; tunay na kami, kung gagawa kami niyon, ay talagang mga tagalabag sa katarungan, yayamang magpaparusa kami sa isang walang-sala at mag-iiwan kami sa isang may-sala."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah