Surah 12 · Juz 13
Yusuf · 12:78
قَالُوا يَا أَيُّهَا الْعَزِيزُ إِنَّ لَهُ أَبًا شَيْخًا كَبِيرًا فَخُذْ أَحَدَنَا مَكَانَهُ ۖ إِنَّا نَرَاكَ مِنَ الْمُحْسِنِينَ
Nagsabi sila: "O makapangyarihan, tunay na siya ay may isang amang matandang lubha, kaya kunin mo po ang isa sa amin bilang kapalit niya. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo bilang kabilang sa mga tagagawa ng maganda."
Tafsir
Nagsabi ang mga kapatid ni Jose kay Jose: "O makapangyarihan, tunay na siya ay may isang amang matandang labis sa edad, na umiibig sa kanya nang higit, kaya dumakip ka po ng isa sa amin bilang pamalit sa kanya. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo kabilang sa mga tagagawa ng maganda sa pakikitungo sa amin at pakikitungo sa iba pa sa amin, kaya gumawa ka po ng maganda sa amin sa pamamagitan niyon."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah